“Wala na akong hahanaping iba. Ikaw lang, more than enough na.”
Bata pa lamang si Kathleen ay aware na siya that she could never be the best. Masyadong vocal ang daddy niya sa pagsasabing wala siyang binatbat. Tanggap na niya ang bagay na iyon. Nakontento na lang siya sa pagkukulong sa kwarto habang ang buong pamilya niya ay nagkakasiyahan sa labas.
Things started to change when she met Apolonio Hernandez. He made her feel as if she was the most beautiful person in the world. Tuwing bumibisita ang binata sa bahay nila ay palagi itong gumagawa ng paraan para mapangiti siya. Then she fell in love with him.
Years after, isa na siyang matagumpay na aktres sa bansa. Naangkin na nga niya ang mundo ng kasikatan pero hindi ang puso ng lalaking minamahal. Thanks to Mary, her stepsister na hobby nang sirain ang happiness niya.