“I know I should hate you. Pero ikaw ang gusto ko, eh.”
Tahimik, payapa, malayo sa mga sigalot ng buhay—ganoon ang sitwasyon ni Peachy sa beach house na tinutuluyan niya. Ngunit nabulabog ang tinatamasa niyang katahimikan. Nagkamali siya ng akala na nag-iisa siya roon. Dahil sa kalaliman at kadiliman ng gabi, may anino palang nagkukubli at nagmamasid sa bawat kilos niya.
Nang makarinig siya ng kaluskos sa isang sulok, inakala niyang daga iyon kaya nagsiyasat siya. Pero ang tumambad sa kanya ay isang matangkad, matipuno, at maskaradong lalaki—si Chip, ang lalaking maraming lihim. Binago nito ang masalimuot niyang mundo at ipinakilala kay Peachy kung ano ang tunay na pag-ibig…