“Aha! May lihim kang pagnanasa sa akin, `no? At front mo lang kunwari ang pande-dead-ma sa akin para hindi ka mahalata. Eh, suwerte mo, dude. Dahil may pagnanasa rin ako sa `yo.”
Nagulat, pagkatapos ay natuwa si Xiao nang makilala kung sino ang pangahas na intruder sa condo unit niya. It was her gorgeous neighbor na matagal na niyang crush pero suplado at hindi pinapansin ang beauty niya. Finally the guy next door had a name: “Kenneth Riguer.”
Pero mali pala siya. Hindi naman pala ito ang lalaking pinapantasya niya. She learned that this Kenneth, the guy who intruded her condo unit, was the twin brother of Kevin—her long-time crush.
Nang mahuli sila ng tiyahin niyang matandang dalaga sa isang compromising na sitwasyon, she knew she was in for a heartache dahil mapipilitan silang magpanggap na nagmamahalan, bagay na mahirap yatang magkaroon ng katuparan dahil si Kenneth pala ay committed na...