| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
Malay mo, baka ako pala ang lalaking para sa 'yo." Tumawid ng dagat si Marvy para sorpresahin ang nobyo niya sa kaarawan nito. Sa kanyang ferry cabin ay nagnlantang siya nang bigla siyang pasukin ng isang lalaki at sapilitang "nagpakupkop" ito sa kanya sa durasyon ng kanilang paglalayag.
Nasundan daw kasi ito ng ex-girlfriend nito na gustong pumikot dito. May magandang idinulot sa kanya ang pagkakakilala nila ng intruder niyang si SP03 Eisenhower "Eseng" Tamundong, isang palikerong pulis-Maynila. He offered her a shoulder to cry on nang matuklasan niya ang kataksilan ng nobyo niya. But on the night of their drinking spree, natangay siya ng kanyang damdamin. One thing led to another... at nagbunga ang kapusukan niyang iyon.
Ayaw niyang matulad sa ex ni Eseng na tinakbuhan nito. She had too much pride for that. Siya na ang kusang umiwas; pinagtaguan niya ito. Ayaw niyang ipakipagsapalaran na naman ang kanyang puso. Pero nang matuklasan nito ang kalagayan niya, kulang na lang ay magmakaawa ito para pakasalan niya...