Isang umaga ay ginulantang si Freya ng presensiya ng isang atribidong lalaki na hindi niya alam kung paano nakapasok sa loob ng kanyang silid—si Agapito Catapang. Hostaged nito ang pinakamamahal niyang pusa kaya hindi siya nakapiyok. Kung makapag-demand pa ito ay animo super-guwapo. Ang mas nakakainis, sunod-sunuran siya sa mga demand nito at tila bigla siyang tinubuan ng pagnanasa rito!
Dapat niyang pigilan ang atraksiyong nararamdaman niya para dito, lalo at malapit na siyang ikasal sa lalaking ipinagkasundo sa kanya ng kanyang ama. Kung puwede lang na paalisin na niya si Agapito; pero sa pagkupkop niya rito nakasalalay ang kaligtasan nito mula sa mga kamay ng masasamang-loob na tumutugis dito.
Paano nga ba niya pipigilan ang puso niya na tuluyang mahulog dito?