Andrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy—ang masungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache. Kaya ba ng powers ko na mapukaw na muli ang kanyang puso? Para kasing mahirap magtago ng feelings sa harap ni Troy. "Is there something you're hiding from me, Drew?" minsan ay tanong niya. "Hiiidi mo na kailangang malaman. " "You can never hide anything from me. Remember that." "Mukhang wala akong choice kmidi magsabi sa iyo. But promise me one thing, you won't get mad." Kaya ko ba? Huminga muna ako nang malalim. Isa, dalawa, tatlo... "I like you!" There, nasabi ko na kay Troy ang feelings ko sa kanya. Sa kuwento namin ng isang makulit at isang masungit, may "I do" kayang masungkit?