“Malabo ang mga mata ng babaeng pakakasalan ko. Hindi niya alam na nasa harap na niya ako.”
Hindi kailanman sumagi sa isip ni Ferl na magiging magkaibigan sila ni Adam, isa sa mga miyembro ng sikat na bandang Juniors. Pero naglaro ang tadhana at nagkrus ang mga landas nila ng guwapong binata.
Alam ni Ferl na sa araw-araw na nakakasama niya si Adam ay lalong nahuhulog ang loob niya rito. Sino ba namang babae ang hindi mai-in love kay Adam gayong napakahusay nitong magparamdam kung gaano siya kaespesyal?
Akala ni Ferl ay pareho sila ng nararamdaman ng binata ngunit nalaman niyang may dahilan pala kung bakit ito nakipaglapit sa kanya. Napaniwala ito ng hula na siya ang babaeng nakatadhana rito. Tugmang-tugma raw kasi ang deskripsiyon na ibinigay ng peke palang manghuhula na kinontrata lang ng mama nito.
Ibig bang sabihin niyon ay peke lang din ang espesyal na pagtrato ni Adam sa kanya?