Pareho lang naman kasi silang nagtataguan ng feelings. Ang tanong, sino sa kanilang dalawa ang taya? Sino ang mauunang umamin?
Isang sikat na international model si Meleny Hermonez at namumuhay na mag-isa sa ibang bansa. Nang kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas ay nakilala niya si Jomark Atienza, isang successful businessman na nakatakda niyang maging business partner sa negosyong magkatulong na itinayo ng kani-kanilang mga namayapang ama.
Sa simula pa lang ay asar na si Meleny kay Jomark. Ito ang kauna-unahang lalaking hindi nagpakita ng interes sa kanya. Hindi lang iyon, dahil bukod sa mayabang ay hantaran pa ang pagsasabi nito na walang buting idudulot ang pag-uwi niya sa bansa. Para kay Meleny, kung hindi siya gusto ni Jomark, lalong hindi niya ito gusto.
Pero bakit ganoon, may inggit siyang nadama sa babaeng kangitian ni Jomark?
Inggit nga lang ba iyon o selos na?