Sabi mo, embrace happiness. Kaya niyakap kita. Ikaw kasi ang nagpapasaya sa akin." Verona is a simple girl with simple dreams. Pero bumaligtad ang mundo niya nang makilala si Kirst Villaviray, ang hottie model na hindi sinasadyang mahawakan niya sa maselang bahagi ng katawan. Ito rin ang searcher sa dating game kung saan nanalo ang kaibigan niya. Sa kamalas-malasan, hindi pwedeng dumalo sa date ang kaibigan ni Verona at siya ang pumalit. It was a disaster. Kahit pagbali-baligtarin kasi ang mundo, hindi si Kirst ang tipo niyang lalaki. She loved history and in love with historical characters, samantalang ang kilala lang daw ng binata na historical figures ay sina Kenshin Himura at Naruto na sa mundo ng anime lang matatagpuan. Pero paano kung kay Kirst lang nakasalalay para mabuo ni Verona ang kanyang entry sa isang history writing competition? Para magtagumpay, kailangan niya itong akitin.