“Ang tanging poproblemahin mo kapag kasal na tayo ay kung saan mo ilalagay ang lahat ng pagmamahal na ibibigay ko sa `yo.”
Dahil lasing na, nagkalakas-loob si Myrene na lapitan at kausapin na si Dave—ang matagal-tagal na niyang crush. Huli na nang ma-realize niyang napakalaking pagkakamali niyon—dahil sa halip na magandang bagay tungkol sa sarili ang sabihin sa binata, naibunyag niya ang pinakatatago-tago at mga hindi kaaya-ayang lihim ng kanyang nakaraan.
Sising-sisi si Myrene. Sinisi niya ang nainom na alak. Siguradong hinding-hindi na lalapit sa kanya si Dave. Kaya laking gulat niya nang minsang pauwi na sa trabaho, nakita niyang naghihintay ito sa lobby. Ihahatid daw siya pauwi.
At ang minsan ay naulit nang naulit. Kaya naman umasa si Myrene na may espesyal na pagtingin sa kanya si Dave.
Pero mali pala siya ng akala. Kagaya ng mga magulang nito, likas lang pala kay Dave ang pagiging mapagkawanggawa.
Good Samaritan lang ang peg ng walanghiya!