Sa stag party ni Jordan Loreso ay pikit-matang ibinigay ni Pia ang sarili rito kapalit ng karampatang halaga—isang sakripisyong ginawa niya para maipagamot ang kanyang arna. Umibig siya kay Jordan ngunit gaya ng inaasahan ay sa wala napunta ang damdamin niya para dito.
Pagkalipas ng ilang taon, muling nagkras ang mga landas nila ni Jordan. Doon niya natuklasan na ginagamit lang pala siya ng boyfriend niyang si Alwin para pagtakpan ang lihim na relasyon nito sa asawa ni Jordan. Hindi ganoon kasakit iyon dahil hindi niya mahal si Alwin. Ang mas iniinda niya ay ang narararndaman niya para kay Jordan na hindi yata niya kayang ikubli sa ikalawang pagkakataon...