"Mas mahirap iyong mabuhay ako na wala ka sa tabi ko kaysa ipagpatuloy ko ang buhay na hungkag naman ang puso ko. Nagising si Lee mula sa pagkaka-coma na mukha na ng kaibigan niyang si Noah ang gamit niya. Sa isang iglap, namuhay siyang gamit ang katauhan nito. Tumira siya sa bahay nito. Naging pamilya niya ang kamag-anak nito. Even Noahs beautiful fiance became his too. Akala ni Lee ay maganda na ang lahat sa pagitan nila ni Emy. Ngunit biglang nasira iyon ng isang nakagigimbal na sekreto. Nalaman ni Emy ang katotohanan na hindi siya ang tunay na Noah.