| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
| “Sabi ko sa sarili ko noon, hinding-hindi na ako iiyak sa `yo. But I did… Hindi ako iiyak kung hindi ako nasasaktan, at hindi ako masasaktan kung hindi kita mahal.†Kinailangan ni Kira na bumalik sa Japan para hanapin ang nawawalang samurai sword ng best friend ng lolo niya. Dahil kung hindi, mapipilitan siyang magpakasal sa apo nito na walang iba kundi ang ex-boyfriend niyang si Sushiro, ang lalampa-lampang binatilyo na nagawa siyang saktan nang labis noong high school sila. Nakilala naman ni Kira si Xen sa isang bar. Inalok niya ang lalaki na samahan siya sa kanyang misyon. Pumayag naman ito. Ngunit habang nasa misyon sila, hindi niya napigilang mahulog ang loob sa binata. Sobrang bait ni Xen at taglay pa nito ang kakisigan at kaguwapuhang magpapatalbog sa sino mang Hollywood hunk. Naging successful ang kanilang misyon. Magkasama pa nilang iniabot sa best friend ng lolo niya ang samurai nito, para lamang mabigla. Dahil si Xen ay walang iba kundi si Sushiro na ex-boyfriend niya. Tinutulungan pala siya ng binata para hindi matuloy ang arranged marriage na nais ng kanilang mga lolo. Dahil nakatakda na pala itong ikasal… sa babaeng mahal nito. |