“He is the brightest star in my life. Nang dumating siya sa buhay ko, pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng direksiyon, nangarap ako, nagmahal nang totoo.”
Nasaksihan ni Raven kung paano binugbog, binaril, at basta na lang iniwan sa tambak ng mga basura ang isang lalaki. Out of willingness to help ay pinuntahan niya ang lalaki. But she found out that the man was no other than Zachary Arturo Franz, ang lalaking pinapantasya ng halos lahat ng kababaihan dahil palagiang napapabilang sa list of hottest bachelors sa bansa.
Tinulungan ni Raven si Zachary.
Pero ano na lang ang gagawin niya kapag sinabi nitong ayaw na nitong bumalik sa dating buhay? Surely, her heart was in danger of falling for him because every day with him was heaven.