| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
Ayon kay Beatrice, hindi siya stalker. She was just following her dream—her dream man, Zeke. Proud si Beatrice na aminin na sa edad na beinte-singko ay isa pa rin siyang fangirl. Sobra ang paghanga niya sa bandang Ultimixx, lalong-lalo na sa vocalist niyon na si Zeke. Handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang atensiyon ng lalaki.
Kaya para siyang nanalo sa Lotto nang mabalitaan na hiwalay na si Zeke at ang girlfriend nito—ang artistang si Kate na saksakan ng arte. Pero higit pa roon ang sayang naramdaman ni Beatrice nang malaman na isa siya sa mga nanalo sa three-day getaway promo ng isang brand ng soft drink. Makakasama niya ang banda ni Zeke sa Puerto Princesa!
Naisip niya na iyon na ang pagkakataon para mapalapit nang husto sa pinapangarap na lalaki. At napalapit naman siya; sa sobrang close ay hinalikan pa siya nito! Naniniwala si Beatrice at nararamdaman niya na nagkakagusto na rin si Zeke sa kanya.
Pero mali pala siya. Dahil nagbalik si Kate at pinili ni Zeke ang ex-girlfriend kaysa sa kanya.
Maniniwala na yata si Beatrice na may forever—forever fangirl ni Zeke Montecillo.