“Kahit ilang ulit mo akong utusan, hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto ko. And what I want, what I need, is you.”
Once upon a time, naniwala si Shiey na mahal siya ni Lear pero niloko siya nito kaya natauhan siya at nakipag-break sa lalaki. The end.
Well, inakala lang pala ni Shiey ang malaking “THE END” sa kuwento nila. Hindi naman kasi nawala ang lalaki sa buhay niya. Umeeksena pa rin ito—hindi bilang love interest niya kundi ang numero uno at walang palyang naninira sa mga araw niya. Gusto na nga niyang burahin ng eraser ang lalaki mawala lang sa kanyang paningin.
Pero higit sa mga pambubuwisit ni Lear, mas nakakainis para kay Shiey ang katotohanang kakampi pa rin ni Lear ang kanyang puso. Parang naniniwala ang puso niya na nakabaon lamang ang “happy ending” nila ng lalaki, ngunit hindi pa rin nabubura ang mga letra…