“Kung hindi mo nagustuhan ang halik ko, ibalik mo na lang. Papalitan ko.”
Unang kita pa lang ni Krissy kay Paulo Brian Zapanta ay nawindang agad ang beauty niya. Pakiramdam niya, ang lalaki ang kanyang knight in shining armor. Pero ganoon na lang ang kanyang panggigilalas nang mapagkamalan siya nitong multo ni Maria Clara at pinagbintangan pa siyang mangkukulam dahil kinulam diumano niya ito!
Sa inis ni Krissy—at sa kagustuhan na ring mapalapit kay Brian—ay kinarir niya ang pagiging mangkukulam kuno para mapalapit sa binata. Okay na sana, nagkakasundo na sila. Ang masaklap, nalaman niyang mahal pa rin nito ang babae mula sa kahapon nito na kasingganda pala ng diwata!
Pero para ano pa’t naging Krissy ang bansag sa kanya kung hindi siya magpapakabaliw sa pag-ibig? Kaya nang malaman niyang magpapakasal na si Brian at ang babaeng diwata ay kumilos agad siya. Hindi maaaring mapunta sa iba ang prinsipe niya.
Ang ginawa niya? Sumugod sa kasal ni Brian with matching witch outfit pa!
This time, lilihis siya sa tradisyon. Sisiguruhin niyang magtatagumpay ang Mangkukulam kaysa sa Diwata!
So help me, Maleficent!