“You are oneof the few people who is worth fighting for.”
Kahit batid ni Crissanta na magkaiba ang mundong ginagalawan nila ni JT ay minahal pa rin niya ang lalaki. He was a rich and famous playboy and she was nothing but a nerd. Hindi lumilipas ang araw na magkasama sila na hindi niya ipinararamdam ang pagmamahal niya sa binata. Mukhang may gusto rin naman sa kanya si JT, patunay ang mga simpleng gesture nito at paghahatid sa kanya sa sakayan tuwing uwian. Lumalakas ang loob niya dahil nararamdaman niya na kahit paano ay may itinutugon si JT sa pagtingin niya. But she ended up crying just like the other girls who got involved with him.
Lumipas ang apat na taon. Marami nang nagbago sa buhay ni Crissanta. Ang buong akala niya ay handa na siyang harapin ang nakaraang pilit niyang kinalimutan. Ngunit nagkamali siya dahil nang muli niyang makita si JT ay nagulo ang puso’t isip niya.
“I will court you tomorrow… the traditional way. Expect me to be there in your house for you to know that my intensions are real.”
Muli ba siyang maniniwala kung hindi pa rin nawawala ang takot niya na muling masaktan sa piling ni JT?