Mahal na kita... Bakit pa tayo magsasayang ng panalion? Bakit pa ako magkukunwari? Alio ang magiging say say ng pagpapakipot?" Sampling taon na ang nakararaan, iniwan ni Santino si Aurora, ang kanyang girlfriend sa probinsiya, at mas piniling magpakasal sa ibang babae. Bago mamatay ang kanyang asawa, pinapangako siya nito: "Promise me. Babalikan mo siya. Ipangako mo sa 'kin, Santi. Kapag n-nawala ako, babalikan mo siya. " Napag-alaman ni Santino na ikakasal na pala si Aurora kaya napagpasyahan niyang umuwi sa probinsiya at saksihan ang pakikipag-isang-dibdib nito. Pero mas nagulantang pa marahil siya kaysa sa bride nang sabihin ng groom na may iba itong iniibig. At iniwan sa altar si Aurora. Santino was immediately by Aurora's side. Inilayo niya ang ex-girlfriend. At hindi niya inasahan na aahon muli ang ilang damdamin na sampling taon na niyang sinikap ibaon sa limot. He thought fate had given him another chance at love. Fate had given back what he had lost years ago. Nahiling lang niya na sana ay madaling kumbinsihin si Aurora na mahalin siyang muli. Nasaktan na ito nang labis at hindi na yata kayang sumugal pa. Ano ang mga kaya niyang gawin upang maibalik ang dating pag-ibig?