Kung ganda rin lang ang pag-uusapan ay hindi pahuhuli si Sheila. In fact, nag-uumapaw siya niyon. Kaya nga akala niya ay walang kahirap-hirap na masusungkit niya si Vance, ang lalaking pumukaw sa interes niya.
Pero mukhang allergic yata si Vance sa magagandang babae dahil kahit anong pagpapakitang-motibo niya ay hindi siya pinapatulan nito. Para ngang mas interesado pa ito kay Annie Batungbakal, isang babaeng manang beauty" ang taglay pero tila nag-uumapaw naman sa social awareness ang kara. Miyembro ang babae ng napakaraming civic organizations na tumutulong sa mahihirap na komunidad.