| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
Taong bato at manhid. Ganyan ilarawan ni Nessie si Cole, ang head security ng kapatid niya. Asar siya sa binata dahil ito lang ang bukod-tanging lalaki na umi-snub sa kagandahan niya at bumasted sa kanya noon. Pero dahil sa isang stalker ay napilitan siyang pakisamahan uli si Cole dahil ito ang naatasan ng kanyang ama para maging bodyguard.
Pero sa mga araw ng pagsasama nila, hindi naihanda ni Nessie ang sarili sa muling pag-usbong ng kakaibang emosyon para kay Cole. Sa mga panahon din na nanganganib ang buhay niya, naging superhero ang tingin niya sa binata. Kaya pakiramdam ni Nessie ay may katugon na ang nararamdaman niya para kay Cole.
Kaya sa pangalawang pagkakataon, siya pa rin ang bumigay at nagtapat na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Cole. Para lamang sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang masaktan at madurog ang puso dahil ang alaala pa rin ng isang namayapa ang nasa puso ng binata.