Kapag pinagsama ba ang ikaw at ako, magiging tayo? "Okay lang ba kung ikaw naman ang alagaan ko?" Ang mga salitang iyon ang unang nagpakabog sa pusong bato ni Mara. Hindi lang kasi guwapo at magaling sa pickup lines si Ivo kundi maalaga pa. Kaya ang dating inis na nararamdaman sa binata dahil sa pagkakasangkot niya sa isang isyu kasama ito ay naging pagmamahal. Pagmamahal na hindi niya inakalang hihigitan nito. Kaso, isang tawag lang pala ang babago sa pagmamahalan nila. Kung kailan kasi dumating sa buhay niya si Ivo, saka naman niya kinailangang umalis. Kailangan na niyang tuparin ang pangarap para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Gagawin kasi ni Mara ang lahat para sa kanyang pamilya kahit pa dumating sa puntong kailangan niyang kalimutan ang kanyang social life at love life. Kaya kahit masakit, kailangan niyang layuan si Ivo...