“Kapag wala ka sa tabi ko, nalulungkot ako nang husto.” Disaster ang unang pagtatagpo nina Nicky at ng guwapong si Ren. Ilang beses na nakaengkuwentro ni Nicky ang lalaki sa loob ng iisang araw at tuwina’y nagkakairingan sila. At sa kamalas-malasan, nalaman niyang ito pala ang blind date na katatagpuin niya nang araw na iyon! Kung hitsura ang pag-uusapan, talagang napakaguwapo nito. Kaya lang, saksakan naman ito ng sungit. Nang maiwan sila sa isang isla, wala siyang choice kundi pakisamahan ito. Unti-unti, naintindihan niya kung bakit ganoon ito. Unti-unti rin ay may pinukaw itong damdamin sa puso niya. Pag-ibig na ba iyon? Pero kaya bang tibagin ng pag-ibig niya ang isang nakaraang tila hindi nito malimut-limutan?