“Kaya kong patunayang mahal kita sa araw-araw na magkasama tayo, basta bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”
Hindi inaasahan ni Arabelle na susulpot uli sa kanyang buhay si Lewis. Two years ago, minahal niya ang lalaki, pero pagkatapos ng lahat ng namagitan sa kanila ay bigla na lang itong naglaho at hindi na nagparamdam pa.
Ngayon ay bigla na lang magpapakita si Lewis at tila gusto uling manuyo. Oo at mahal pa rin ni Arabelle ang lalaki. Pero natatakot siya na kapag hinayaan niya itong makapasok uli sa kanyang buhay ay baka panibagong kabiguan na naman ang naghihintay sa kanya…