Dahil sa sobrang pagmamahal ni April kay Hugo, kahit masaktan siya sa ginagawa nitong pang-i-snub at pambabale-wala sa kanya ay kinakaya niya. Kahit pakiramdam niya ay nanliliit na siya sa mga sinasabi nito sa kanya ay hindi siya nagpaawat sa pagpapapansin dito.
Tila ilag kasi ito sa mga babae. Hindi naman niya masisi ito dahil may masakit itong nakaraan—isang hindi magandang karanasan sa babae na sumira ng buhay nito.
Paano niya tuturuan ang puso nito na muling umibig? Paano niya muling bibigyang-kulay ang madilim na mundo nito?