“Ako pala ang Tupperware. Kasi, kaibigan kita kung kaharap ka. Pero kapag nakatalikod ka na, mahal na kita.”
Magkababata at magkaibigan sina April at Dark. Sa lahat ng firsts ni April, present ang binata. At ang ibang firsts niya, si Dark ang salarin. High school, pinagpuyatan niya ang pag-iyak. Nalaman kasi niyang may love life na ito. College, muling nagluksa si April. May bagong Eba na namang nagpatibok sa puso ni Dark. At ang masaklap, hindi sila in good terms ng dyowa ng binata. Kaya ang labas, nagiging Tupperware sila ng babae kapag kaharap ang isa’tisa.
April Fools’ Day, ginawan ni April ng prank si Dark. Ang kapalit, nakatikim siya ng halik. Bigla ay ginanahan siyang mag-isip ng mga kasunod pang pang-prank dito. Aba, kung makakatikim siya ng halik nito tuwing nagluluka-lukahan siya, kakarerin na lang niya ang pagkaluka-luka!