Brokenhearted at luhaan si Kristal pagkatapos magparaya para sa kaligayahan ng lalaking minamahal. Kung hindi ba naman kasi siya isang gaga’t kalahati, kanya na, pinalipad pa niya sa pugad ng iba. Ganoon kasi siya magmahal, martir.
At sa isang lugar kung saan napadpad si Kristal ay nakilala niya si Icha, antipatiko at supladong lalaki. Hindi naging maganda ang una nilang pagkikita pero hindi nagtagal, nagkalapit din sila.
Icha was one of the reasons why moving on seemed possible for Kristal. He was always there, he became her friend. At ang gusto sana ni Kristal ay manatili silang ganoon. Sa friendship kasi, walang breakup. Pero hindi marunong makisama ang tadhana. She fell for Icha. Attracted din si Icha sa kanya kaya lang, mukhang nag-aalinlangan pang buksan ang puso sa kanya dahil mahal pa rin nito ang dating girlfriend.
Pagod na si Kristal na maging extra lang. Kailan kaya siya magiging bida sa puso ni Icha?