Nang malaman ni Sachi na nagpakamatay ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, nagdesisyon agad siya na bumalik sa Pilipinas. Nalaman niya ang dahilan ng pagpapakamatay ng kaibigan kaya sumumpa siya na ipaghihiganti ito.
Nag-training siya, inihanda ang sarili sa papasuking “misyon” at nagplanong mabuti para magtagumpay. She also changed her identity to Addy Leapha at nag-apply na sekretarya ni Color Montemayor, ang taong dahilan ng kamatayan ng kaibigan. The plan was to bring Color to his knees, make him fall for her, take everything away from him, and then dump him.
Ang buong akala ni Sachi ay nagtatagumpay na siya. Pero siya pala ang nanganganib… nanganganib na bumigay sa mga halik ni Color.