| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
Pagkaasar ang naramdaman ni Jinky kay Izack nang makilala niya ito. Paano ba naman, pinagbintangan siya nito na nag-iimbento ng pickup lines para lang mapansin siya nito. Kahit nuknukan ito ng guwapo at attracted siya rito, hinding-hindi niya magagawa ang ibinibintang nito.
Hindi niya alam kung na-challenge lang ito sa kanya kaya pagkatapos ng first encounter nila ay nagpa-cute na ito sa kanya. Nanliligaw ito pero idinadaan naman nito sa biro iyon.
Nang sa wakas ay magkaka-love story na sila ay nagkaroon naman siya ng problema. Kinailangan niyang itago ang pamangkin niya sa ama nito sa utos na rin ng kapatid niya. Nagtataka lang siya dahil sa bawat lugar na mapuntahan nila ay nasusundan sila ni Izack.
Hanggang sa gulatin na lang siya ng marriage proposal nito. Gusto man niyang tanggapin iyon ay wrong timing ito. Kailangan niyang tanggihan ang proposal nito. Sana lang kapag handa na siyang tanggapin iyon ay may interes pa rin ito sa kanya…